Posts

Showing posts from September, 2018

CEBU, Philippines - Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Dibisyon ng Cebu ang kanilang kakayahang pampamahayagan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2018 sa Cebu City National Science High School, Setyembre 24-25.

Naka-angkla sa temang, “Fostering 21st Century Skills and Character-based Education through Campus Journalism”, idinaos ang DSPC sa taong ito sa ilalim ng layuning hindi lamang mas mapabuti pa ang mga kakayahan sa pagsulat ng iba’t ibang artikulong tatama sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan, pati na rin ang mga kakayahan at ugaling angkop sa kasalukuyang panahon ngayon.





Kaya Ba?
















Magsiguro at Magplano





















CEBU, Philippines – Nanaig ang Kumbaya Team laban sa Kasadya Team, 2-1, sa isang badminton mixed doubles exhibition game noong Miyerkules, Setyembre 26, 2018, sa Cebu City National Science High School Gymnasium.


Bukod sa prutas at gulay



       “Kumain ng gulay para ikaw ay maging malusog at masigla.” Bilang mga bata ay palagi tayong pinapaalalahanan na kumain ng mga masustansiyang pagkain. Habang tayo ay lumalaki, unti-unting napagtatanto ng karamihan na hindi natatanging susi ang mga nabanggit para isa isang malusog na pangangatawan. Saklaw ng pang-uring malusog ang aspeto ng kalusugang pangkaisipan na madalas, kung hindi tuluyan nang naisasantabi.

Kumbaya, nilampaso ang Kasadya

        CEBU, Philippines – Nanaig ang Kumbaya Team laban sa Kasadya Team, 2-1, sa isang badminton mixed doubles exhibition game noong Miyerkules, Setyembre 26, 2018, sa Cebu City National Science High School Gymnasium.

National Teachers' Month binuksan


CEBU, Philippines - Nakiisa sa pagbubukas ng National Teacher’s Month ang Cebu City National Science High School (CCNSHS) noong ika-5 ng Setyembre 2018 sa CCNSHS Gym.

Idinaos ang pagbubukas sa pamamagitan ng isang progamang pinangunahan ng mga opisyales ng CCNSHS-Supreme Student Government (SSG).

Mag-aaral, nagpasiklaban sa DSPC

         


           CEBU, Philippines - Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Dibisyon ng Cebu ang kanilang kakayahang pampamahayagan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2018 sa Cebu City National Science High School, Setyembre 24-25.

Death toll sa Naga, Cebu landslide umabot na sa 60

           

        CEBU, Philippines – Umabot na sa 60 ang bilang ng mga namatay sa nangyaring landslide sa Naga City at tinatayang hindi bababa sa 18 ang bilang ng mga nasugatan habang nasa 28 di umano ang bilang ng mga nawawala ayon sa huling ulat na ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong 9:00 ng umaga, Setyembre 26.

Kayamanang Pilit Ipinagkakait

         Kalusugan ay ang ating kayamanan – isang pahayag na ating naririnig ng itinuturo sa atin ng ating mga magulang at mga guro sa paaralan. Ngunit tila ba ang kayamanan na pilit nating iniingatan ay unti-unting inaagaw at ninanakaw ng pamahalaan. Ito ay dahil sa pagtapyas ng badyet ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa taong 2019 na nangangasiwa sa pagpapatayo ng mga pasilidad pangkalusugan at pagbibigay ng sahod sa mga health workers ng Kagawaran ng Pangkalusugan.

Kaya Ba?

       

       Sa dinarami-rami ng mga ari-arian na nawasak at buhay ng mga inosenteng tao ang namatay dahil sa pagguho ng lupa sa barangay Tinaan, lungsod ng Naga, isang tanong pa rin ang nangangailangan ng sagot: Ipapahinto ba at ipapasara ng ating pamahalaan ang mga minahan sa ating bansa?

Malayo pa ang Umaga


Bagyo. Lindol. Pagguho ng Lupa. Ito ay iilan lamang sa mga kalamidad na patuloy na umaatake sa ating bansa. Ito ay naging dahilan upang mawasak ang mga ari-arian at ang pagkitil sa buhay ng mga inosente. Dito natin matatanong sa ating sarili: gaano ba talaga kahanda ang Pilipinas? May mga paraan ba na ginagawa ang ating pamahalaan upang sa susunod na manalansa ay magiging handa na ang bansa?

Sikreto ng Tagumpay


“I was at the back listening to the speaker one time and I said to myself ‘I will be like her’”. Natihimik ang buong silid nang nagsimulang ikuwento ni Gng. Remedios Flores kung paano ang simpleng pangarap at ang masidhing kagustuhan na makamit ito ang nagdala sa kaniya sa tugatog ng tagumpay na ngayon ay kaniyang tinatamasa.
            Dikta ng magulang, sulsol ng barkada o impluwensiya ng mga guro at kakilala. Iba’t ibang salik ang maaring magtulak sa isang tao at magdikta sa kaniya kung anong landas ang kaniyang tatahakin sa hinaharap. Sa pakikinig noon sa isang lecture sumiklab ang interes ng batang Remedios sa pamamahayag. Isang mahinang bulong ang binitawan niya sa kaniyang sarili at nangakong maging matagumpay sa larangang kaniyang napili.

Magsiguro at Magplano

           


           Kaugalian ng mga Filipino na maghanda para sa isang inaasahang bisita. Ang buong bahay ay nililinis, ang mga kurtina ay pinapalitan, ang mga plato’t kutsara sa loob ng aparador ay inilalabas. Kahit sa pinakamaliit na detalye ng preparasyon ay talagang tinututukan at binibigyang pansin. Pero paano na lamang kung ang nasabing bisita ay hindi nagpaalam na darating? Ika ba ay handa na siya’y salubungin?