National Teachers' Month binuksan



CEBU, Philippines - Nakiisa sa pagbubukas ng National Teacher’s Month ang Cebu City National Science High School (CCNSHS) noong ika-5 ng Setyembre 2018 sa CCNSHS Gym.

Idinaos ang pagbubukas sa pamamagitan ng isang progamang pinangunahan ng mga opisyales ng CCNSHS-Supreme Student Government (SSG).

Nagpamalas ng iba’t ibang presentasyong alay ng mga piling mag-aaral kagayang pagkanta, pagsayaw at pag-arte. May mga palaro rin para sa mga guro at mag-aaral na siyang nagbigay aliw sa paninimula ng selebrasyon. Nagkaroon din ng pag-aanunsyo sa mga gawain at patimpalak para sa buwan ng Setyembre.

May paghahandog din ng kaunting sorpresa bilang pagbibgay pugay sa mga guro kagayang maka-makata na mga liham at bulaklak mula sa SSG.

Opisyal na binuksan ang selebrasyon ng Pinuno ng Kaugnay na mga Asignatura, Ginoong Rudolph S. Pacqueo na siyang kumatawan sa punong-guro na si Gng. Evelyn R. Pielago.

Inaabangan sa ngayon ang kulminasyon at panapos na programa ng selebrasyon sa darating na Oktubre 5, 2018.

Comments