Kumbaya, nilampaso ang Kasadya


CEBU, Philippines – Nanaig ang Kumbaya Team laban sa Kasadya Team, 2-1, sa isang badminton mixed doubles exhibition game noong Miyerkules, Setyembre 26, 2018, sa Cebu City National Science High School Gymnasium.

Pinagbidahan nina Christian Adolfo at Ashley Tobing ang Kumbaya Team at Celeste Amatong at Cobby Badulis naman sa Kasadyan Team.

Maliksi ang naging laro ng Kumbaya Team at tinambakan ang Kasadya Team, 10-6, upang manguna sa unang yugto ng laro. Hindi bumigay ang Kasadya Team at naging agresibo rin sila sa kanilang mga smash at depensa at naitabla ang laro,16-16. Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakamali ng Kumbaya Team, naipanalo at naagaw ng Kasadya Team ang unang set,21-18.

Mainit ang naging laro ng dalawang kupunan sa ikalawang yugto at tinabla agad ang puntos,3-3. Nanginit at naging mabilis ang aksyon ng Kumbaya Team at pinaulanan ng puntos at pangunahan ang laro,10-5. Ngunit determinado si Amatong na maipanalo ang laro at tinabla ito 17-17. Ngunit dala ng kanilang momentum, naipanalo ng Kumbaya Team ang ikalawang set at pinalawig ang laro sa ikatlong set.

Sinimulan ng Kasadya Team ang laro at nanguna sa ikatlong yugto ng laro, 6-2 ngunit dahil sa mga pagkakamali at hindi pagkakaunawaan nito, itinabla ng Kumbaya, 6-6. Ipinagpatuloy ng Kumbaya ang kanilang malakas na smash at ginamitan ng talino para manguna sa laro, 19-17. Tinabla at pinalawig ng Kasadya Team ang laro ngunit tinapos ito ng Kumbaya,22-20.

Masaya si Christian Adolfo sa kinalabasan ng laro. “Gipangandaman jud ni namog maayo bisan kabalo mi nga gipangandaman sad sa among kontra ang duwa” (Pinaghandaan namin ng maayos ang laro dahil alam naman na pinaghandaan din ng aming kalaban ito)

Unang pagkakataon din ni Ashley Tobing na maglaro sa harap ng maraming tao ayon ni Adolfo at masaya siya sa ipinakitang liksi at tapang ni Ashley sa laro at naging dahilan upang sila ay manalo. “Nalipay ko sa bata kay first exposure to niya mao nang grabe kaayo iyang kulba” (Masaya ako sa bata dahil unang pagkakataon niya na makapaglaro sa maraming tao kaya kinakabahan ito)

Ang exhibition game na ito ay paraan ng dalawang grupo upang maghanda si Ashley sa kaniyang Badminton Unit Meet na laro na gaganapin sa Oktubre ng kasalukuyang taon sa lungsod ng Cebu.

Comments