Malayo pa ang Umaga
Bagyo.
Lindol. Pagguho ng Lupa. Ito ay iilan lamang sa mga kalamidad na patuloy na
umaatake sa ating bansa. Ito ay naging dahilan upang mawasak ang mga ari-arian
at ang pagkitil sa buhay ng mga inosente. Dito natin matatanong sa ating
sarili: gaano ba talaga kahanda ang Pilipinas? May mga paraan ba na ginagawa
ang ating pamahalaan upang sa susunod na manalansa ay magiging handa na ang
bansa?
Lungkot
at hinagpis ang naramdaman ng mga tao sa siyudad ng Naga, probinsya ng Cebu ng
gumuho ang lupa sa barangay Sindulan na pumatay sa 49 ka tao, sugatana ang 10
tao at hinahanap pa ang may humigit kumulang na 30 katao. Naging pangunahing
dahilan ng pangyayari na ito ay ang pagmimina. Sa kabila ng kampanya ng pamahalaan
sa pagsasagagwa ng “responsableng pagmimina”.
Sa ating
bansa, napakahirap ang pagkakaroon ng isang komunidad na laging handa ngunit
maaaring magkaroon ng isang komunidad na may alam sa kanilang gagawin. Ito sana
ay maiisip ng ating pamahalaan upang maging paraan ito upang sila ay makatulong
sa mga tao na maging ligtas sa oras ng sakuna na darating sa ating bansa.
Ngunit sa kabilang banda, maihahalintulad sa isang pagong ang ginagawang
hakkbang ng ating pamahalaan sapagkat mahina ang pag-usbong at kilos ng mga
ito. Kung magpapatuloy, hindi magiging handa ang mga tao dahil kakaunti lang ang
kanilang mga nalalaman sa mga peligrong dadating sa ating bansa.
Malayo
pa ang tatahakin ng pamahalaan upang mapagtagumpayan nila ang kanilang
pinapangarap na isang bayang laging handa ngunit dapat nilang simulan sa
unti-unting paraan upang magkaroon ng kaalaman ang mga Filipino at magkaroon ng
pagbabago sa ating komunidad, na siya namang pangako na gagawin ng ating
pamahalaan sa ating bansa. Dapat na rin tayo matuto sa mga nakaraang kalamidad
ng bansa. Sa huli, hindi pa rin hawak ng pamahalaan ang desisyon ng karamihan,
dapat natin sila sundin para na rin ito sa ating kaligtasan.
Comments
Post a Comment