Mag-aaral, nagpasilakban sa DSPC
CEBU, Philippines - Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Dibisyon ng Cebu ang kanilang kakayahang pampamahayagan sa ginanap na Division Schools Press Conference 2018 sa Cebu City National Science High School, Setyembre 24-25.
Naka-angkla sa
temang, “Fostering 21st Century Skills and Character-based Education
through Campus Journalism”, idinaos ang DSPC sa taong ito sa ilalim ng layuning
hindi lamang mas mapabuti pa ang mga kakayahan sa pagsulat ng iba’t ibang artikulong
tatama sa mga kasalukuyang isyu sa lipunan, pati na rin ang mga kakayahan at
ugaling angkop sa kasalukuyang panahon ngayon.
Sinimulan ang
komperensya ng isang pambungad na mensahe na nagsasabing ito ang panahon ng
pagpapamalas ng mga mamamahayag na may mabuting karakter at ugali na dala ni
CCNSHS Principal IV Evelyn R. Pielago.
Sinudan naman
ito ng isang inspirasyonal na mensahe ni Chief Implementation Division Grecia
F. Bataluna.
Ayon kay CID
Bataluna, hindi lamang ito tungkol sa kapanaluhan, ito rin ay upang mas
mapabuti pa ang kakayahan ng mga bata sa pagsulat, pakikipagkapwa, komunikasyon
at personal na pag-unlad.
Binisita rin ni
Resource Speaker at Judge sa Pagwawasto ng Sipi at Pangungulo ng Balita
Remedios Sanchez-Flores ang mga manunulat sa isang Mini Press Conference at
nagbigay ng inspirasyonal mesahe sa pamamagitan ng kanyang karanasan sa Campus
Journalism.
“What you are is
God’s gift to you,” ani ni Gng.
Mahigit 20 taon
nang nasa Campus Journalism si Gng. Flores, at sa haba ng panahon na ito ay
ginugol niya sa pagtuturo sa mga mag-aaral na nais sumubok sa larangan na ito
at ang iilan sa kanila ay nanalo na sa Rehiyonal at Nasyonal na kategorya.
Sa katunayan, si
Mary Therese Aberientos ng Ateneo de Cebu ay isa sa mga naturuan ni Gng. Flores
sa Pagwawasto ng Sipi at Pangungulo ng Balita na nanalo ng ika-apat na puwesto
sa National Schools Press Conference.
“Do not think
only on your capability as a writer, however, you have to acknowledge God who
has given you your talent competencies and skills. All you have to do is to
practice to make everything perfect,” pagtatapos niya.
Mahigit 1,691 na
mag-aaral mula sa 59 paaralan sa Cebu City Division ang sumali sa DSPS ngayong
taon; 45 pampublikong paaralan at 14 pampribadong paaralan.
Comments
Post a Comment