Sikreto ng Tagumpay
“I was at the back
listening to the speaker one time and I said to myself ‘I will be like her’”. Natihimik ang buong
silid nang nagsimulang ikuwento ni Gng. Remedios Flores kung paano ang simpleng
pangarap at ang masidhing kagustuhan na makamit ito ang nagdala sa kaniya sa
tugatog ng tagumpay na ngayon ay kaniyang tinatamasa.
Dikta ng magulang, sulsol ng barkada
o impluwensiya ng mga guro at kakilala. Iba’t ibang salik ang maaring magtulak
sa isang tao at magdikta sa kaniya kung anong landas ang kaniyang tatahakin sa
hinaharap. Sa pakikinig noon sa isang lecture
sumiklab ang interes ng batang Remedios sa pamamahayag. Isang mahinang bulong
ang binitawan niya sa kaniyang sarili at nangakong maging matagumpay sa
larangang kaniyang napili.
Comments
Post a Comment